Repolyo, Saging at, ang Sapporo

    Pinapahalagahan mo ba ang mga taong hindi mo nakikita pero ikaw lang ang tinitingnan?
Bilang bahagi ng aking #themedpost, pinanood ko sa wakas ang isa sa mga may pinakamalaking kinitang indie film, Kita Kita (I See You),.
Isa, isang pelikula na literal na may temang “bulag ang pag-ibig”. Naganap ang pagtatagpo ng…
Dalawa, dalawang tauhan na sina Tonyo (Empoy, Mr Suave) at Lea (Alessandra de Rossi) na umikot sa…
Tatlo, tatlong bahagi ng pagkukuwento ni Direk Sigrid Andrea Bernardo. Ang kwento ng nabigong pag-ibig ni Lea, ang pagkabulag, pagkakaibigan at muling pagkakita ni Lea at ni Tonyo at ang buhay ni Tonyo bago mabulag ang hinangaan niyang babae na…
Apat, apat na beses silang nagkita bago pa maganap ang kanilang “pagkakaibigan”.
Naging bandwagon bigla ang pelikulang ito sa mga taong naghahanap ng panibagong panlasa sa pelikulang pinanonood. Binusog ng pelikula ang ating mga mata sa ganda ng lalawigan ng Sapporo ng bansang Japan. Kasabay ng pagbusog sa ating mga utak ng mga linyang tila may hugot para sa hinaharap.
Sa huling bahagi ng kwento ay binuksan nito ang ating mga mata sa totoong pananaw ng bagong “pogi” ng pelikulang Pinoy.
Naghanap ako nang kaunti sa pelikula. Simple ang nakatutuwang kwento pero mag-iisip ka kahit papaano. Bakit nga ba mapapasaya tayo ng repolyo? Sadya nga bang saging lang ang may puso? Sadaya nga bang bulag ang pag-ibig? Kabayan, stressed ka lang, iwasan mo! Nakabubulag iyan…
#ikalabimpitongaraw #BuwanNgMgaAkdangPinoy #BuwanNgWika #ikaanimnathemedpost #Santinakpan #mata Santinakpan

Litrato ni Elvin Junior.